Tuesday, April 1, 2014

SM Megamall - Mega Fashion Hall

Hello mga pards! Ito nanaman ang inyong lingkod, the Lost Prince para magkwento sa inyo ng happenings kanina. Ito muna yung timeline: 12:30 pm – Nagpaplantsa ang nanay ko ng aming susuotin dahil siya ay papasok sa opisina at ako naman ay aalis para gumala. Bumaba ako para uminom ng malamig na tubig ng biglang... *BOOM* nagspark sa baba namin, syempre may maririnig kang tunog. Dali-dali akong umakyat at nakita ko na sumabog pala yung plantsa...