Ipinanganak akong mahilig sa gala at window shopping. (Ano raw?) Tuwing napapadpad ang kagwapuhan ko sa mga mall dito sa Metro Manila, ang inuuna ko talagang puntahan ay ang section na puro gadgets. Mga makabagong teknolohiya na kung saan ay pwede kang makipag-usap o makihalubilo sa mga taong malalayo sa iyong lugar at matuto kung gagamitin mo ito sa pag-aaral.
SM Cyberzone (Source: http://www.google.com)
Madalas nanginginig ang katawan ko kapag nakakakita ako ng magandang cellphone. Malakas na processor, HD display, stylish... Yan ang nararamdaman ko talaga. Pera lang problema. :))
LG Prada 3.0, my dream phone. :)) (Source: http://www.google.com)
Ikaw ba yung tipo ng tao na mahilig gumamit o magcollect ng gadgets? Sa henerasyon natin ngayon, napakarami mong pagpipilian na gadgets tulad ng cellphones, laptops, tablets, etc. It's all about the money. Chos. :))
Sabi ng ilang tao sa akin, regression ito. Dumaan kasi ako sa pagkakataong ako lang ang walang computer at cellphone sa mga kaibigan ko. :(
Tama na ang drama. Hahaha.
Sa ngayon, may 12 akong cellphone (5 na lang ang nasa akin dahil nadistribute na yung iba sa mom and dad ko, perness sa akin hindi pa ko nawalan ng cellphone at yung iPhone lang madalas kong magamit), isang laptop (Toshiba L645) at isang netbook (Asus Eee PC 900HD). Ito ang itsura ng laptop at netbook ko, huwag na yung mga cp ha, dami e :)), from Google na rin. Pagpasensyahan niyo na ha, sira kasi digicam ko ngayon e. :))
Ayan, mahal na mahal ko ang mga gadgets ko. Hahaha.
Pero sa walang kwentang post kong ito, magfofocus ako sa latest gadget ko: Archos 70 Internet Tablet.
Taken using iPhone 3GS. Follow me on Instagram: rileygram :)
[1988 in-establish ang French company na Archos kaya kahit paano nakagawa na sila ng pangalan sa larangan ng paggawa ng electronics. Hindi lang pala ako mahilig mag-anagram ng name, pati pala ang founder ng Archos, si Henri Crohas. :))]
Highlights:
1 Ghz processor
Android OS (Froyo)
Good battery life
250GB Capacity
Affordable (~P14,000)
Hindi ko na kailangan i-discuss ang ibang features. Kayo na bahala mag-search kung gusto niyo. :)) Mahal ko itong tablet ko na ito kahit hindi siya kasing-sikat ng iPad dahil lahat ng kailangan ko sa ngayon para sa pag-aaral ay nandito. Nakakapagbasa naman ako ng eBooks dito saka nakakapaginternet.
Kung usapang entertainment, aba hindi papatalo ang Archos. Halos lahat ng formats ng video at music files kaya niya i-play. Hindi ka pa mahihirapan manood/makinig dahil may malakas na stereo speakers ito sa magkabilang side at may kickstand siya na kapag ginamit mo, sakto lang ang angle of inclination ng tablet para sa panood. :)
Source: http://www.archos.com
Wala lang siyang Android Market (Google Play Store na ngayon) na nakainstall. Pero maaari siyang lagyan. Fully functional pa. :) Dito na rin ako gumagamit ng Twitter at Facebook apps dahil ang lakas makalowbat sa iPhone ng apps e..
Sa mga may tablet na diyan, halos magkakaparehas lang naman ang features at uses nito. High-end lang yung inyo. :))
Tandaan natin na hindi naman panlabas na anyo, presyo o bago ang basehan ng pagbili ng gadgets. Lagi mo rin iisipin kung kailangan mo ba talaga ito at magagamit kung hindi man habang-buhay ay pangmatagalan. :)
~RILEYCorn~
0 comments:
Post a Comment