Hello mga
pards! Ito nanaman ang inyong lingkod, the Lost Prince para magkwento sa inyo
ng happenings kanina.
Ito muna
yung timeline:
12:30 pm –
Nagpaplantsa ang nanay ko ng aming susuotin dahil siya ay papasok sa opisina at
ako naman ay aalis para gumala. Bumaba ako para uminom ng malamig na tubig ng
biglang... *BOOM* nagspark sa baba namin, syempre may maririnig kang tunog.
Dali-dali akong umakyat at nakita ko na sumabog pala yung plantsa namin. Buti
hindi nakuryente ang mom ko. Bad news -> Sira ang circuit na yun.
2:00 pm –
Nakarating na ako ng EE Lab kung saan ako hinihintay nila Ma’am Erica, Ma’am
Ize, Ninia and Aldrick dahil pupunta kami sa SM Megamall para magskating. Libre
pamasahe dahil nakisakay kami sa college blockmates ni Ma’am Ize.
~3:00pm –
Ayan na ang pinakaaasam ng lahat, ang makapunta sa SM Megamall para magskating.
Ako hindi masyadong excited that time dahil ihing-ihi na ako. Haha sorry TMI.
Anyway, pagakyat namin aba medyo nafrustrate kami. Wala raw available na shoes
pangskating! :( Mga 3 oras pa raw bago magkaroon.
Tips lang pards, kung first time niyo
magtatry ng skating, ito ang dapat ninyong tandaan:
- Alamin ang size ng paa, agad-agad may makikita kayong sukatan doon. Mas fit sa inyo, mas okay dahil mahirap magskate na maluwag ang shoes.
- Magdala ng pera. Ang unlimited skating is worth P390 pero pwede magbago yan depende sa season. Yung locker may bayad rin pero one-time use lang yun. May token ka pang ilalagay. Arte. Lol joke.
- Kung walang available na pangskate, hanapin yung coordinator or ano man tawag sa kanya at magpareserve agad-agad. In our case, late na kami natext. 1 hour na kami nageenjoy sa rink and doon lang kami nakatanggap ng mensahe na available na. Nux! AMAZING. :))
Naghanap
na lang muna kami ng paglilibangan. Naisip na nga namin pumunta ng SM Mall of
Asia pero wala nagkakatamaran. May nagsuggest ng bowling. Medyo naexcite ako
dahil hindi ko pa nattry e. hahaha.
Pumunta
na kami sa bowling center. Ang laki. Maliban sa bowling, pwede kang magvideoke,
maglaro ng PS4, Kinect at ng bilyar. Marami kang pwedeng gawin basta marami
kang dalang pera hahaha! Kidding aside, ang rate ng bowling kanina is P145 per
person per game. Sa isang game mayroon kang 10 tira.
Hirap ako
tumira sa una pero I think natuto naman ako kahit konti. In fact, isa ako sa
mga nakastrike nung Game 6. Haha. O eto ang proof:
Ang bilis ng oras! Hindi ko
akalain na ganun lang kabilis ang game namin at nakalipas na ang isang oras.
Ito ang final scores (oo alam ko kulelat ako, at least nagtry at nag-enjoy.
Yoon naman ang important diba? :)) :
Nakaramdam
na kami ng gutom kaya napadpad kami sa SM Foodcourt. Bumili kami ng food. Ilan
kaming bumili sa Oriental Seoul and ang sarap ng naorder ko which is Beef
Kalbi. Malabot talaga yung meat. Sorry sa gutom ko nawala na sa isip kong
picturan. Hehe. Nagcrave rin pala ako sa milk tea kaya napadpad ako sa
Serenitea para bumili ng Chocolate Milk Tea with Egg Pudding. Again, wala akong
picture nun. Haha.
Medyo
nawawalan na kami ng pag-asa makapagskating dahil halos mag 6pm na kanina pero
nagbakasakali kami. Pinuntahan namin yung sa Skating Rink at sa wakas nagkaroon
din ng sizes na tugma sa amin! Hindi naman kami nainform kung hindi pa kami
nagtanong. Palagpasin na bilang marami naman talagang tao. Yung totoo, ang
daming tao agad kakaumpisa lang ng bakasyon?? :))
Fast
forward, nagpalit na kami. Ang pinakamasaya talaga ay si Aldrick. Hehe. Effort
nanaman magskating. Kung hindi ka sanay talagang nakakatakot. Ang lagi kong
nasa isip is dapat nasa tamang lugar ang center of gravity and lakad-baby muna
ang gawin bilang hindi naman ako marunong.
Ayun, as
expected, napaupo si Lost Prince. Haha. Kainis lang kasi basa yung feeling sa
pantalon at medyo masakit. Mukha nga akong ewan doon kanina dahil hindi talaga
ako marunong. Naiiwanan ako lagi ng mga kasama ko.
Kung ako
ay pinafollow mo sa twitter, malamang you saw and read my tweet: “Why the hell
am I torturing myself? #IceSkating” HAHA. May feeling na nagbayad ako para pahirapan
sarili ko. One time tumayo na lang ako sa gilid at naisip ko yung line na “Here
I stand and here I stay” from the song “Let It Go” by Idina Menzel. Naipilit
diba?
After ng skating,
kumain kami sa Pepper Lunch dahil may good news kaming natanggap. Ang mahal ng
nasa menu nila pero worth it, super sarap ng food. Try niyo. :)
Sana
kahit paano nagkaroon kayo ng idea kung gaano ako nag-enjoy kagabi dahil kasama ko ang EE Family ko... Salamat sa
pagbabasa, hanggang sa muli! :)
~*THE LOST PRINCE*~