Tuesday, April 1, 2014

SM Megamall - Mega Fashion Hall

Hello mga pards! Ito nanaman ang inyong lingkod, the Lost Prince para magkwento sa inyo ng happenings kanina.

Ito muna yung timeline:

12:30 pm – Nagpaplantsa ang nanay ko ng aming susuotin dahil siya ay papasok sa opisina at ako naman ay aalis para gumala. Bumaba ako para uminom ng malamig na tubig ng biglang... *BOOM* nagspark sa baba namin, syempre may maririnig kang tunog. Dali-dali akong umakyat at nakita ko na sumabog pala yung plantsa namin. Buti hindi nakuryente ang mom ko. Bad news -> Sira ang circuit na yun.

2:00 pm – Nakarating na ako ng EE Lab kung saan ako hinihintay nila Ma’am Erica, Ma’am Ize, Ninia and Aldrick dahil pupunta kami sa SM Megamall para magskating. Libre pamasahe dahil nakisakay kami sa college blockmates ni Ma’am Ize.

~3:00pm – Ayan na ang pinakaaasam ng lahat, ang makapunta sa SM Megamall para magskating. Ako hindi masyadong excited that time dahil ihing-ihi na ako. Haha sorry TMI. Anyway, pagakyat namin aba medyo nafrustrate kami. Wala raw available na shoes pangskating! :( Mga 3 oras pa raw bago magkaroon.

Tips lang pards, kung first time niyo magtatry ng skating, ito ang dapat ninyong tandaan:
  • Alamin ang size ng paa, agad-agad may makikita kayong sukatan doon. Mas fit sa inyo, mas okay dahil mahirap magskate na maluwag ang shoes.
  • Magdala ng pera. Ang unlimited skating is worth P390 pero pwede magbago yan depende sa season. Yung locker may bayad rin pero one-time use lang yun. May token ka pang ilalagay. Arte. Lol joke.
  • Kung walang available na pangskate, hanapin yung coordinator or ano man tawag sa kanya at magpareserve agad-agad. In our case, late na kami natext. 1 hour na kami nageenjoy sa rink and doon lang kami nakatanggap ng mensahe na available na. Nux! AMAZING. :))

Naghanap na lang muna kami ng paglilibangan. Naisip na nga namin pumunta ng SM Mall of Asia pero wala nagkakatamaran. May nagsuggest ng bowling. Medyo naexcite ako dahil hindi ko pa nattry e. hahaha.
Pumunta na kami sa bowling center. Ang laki. Maliban sa bowling, pwede kang magvideoke, maglaro ng PS4, Kinect at ng bilyar. Marami kang pwedeng gawin basta marami kang dalang pera hahaha! Kidding aside, ang rate ng bowling kanina is P145 per person per game. Sa isang game mayroon kang 10 tira.
Hirap ako tumira sa una pero I think natuto naman ako kahit konti. In fact, isa ako sa mga nakastrike nung Game 6. Haha. O eto ang proof:



Ang bilis ng oras! Hindi ko akalain na ganun lang kabilis ang game namin at nakalipas na ang isang oras. Ito ang final scores (oo alam ko kulelat ako, at least nagtry at nag-enjoy. Yoon naman ang important diba? :)) :




Nakaramdam na kami ng gutom kaya napadpad kami sa SM Foodcourt. Bumili kami ng food. Ilan kaming bumili sa Oriental Seoul and ang sarap ng naorder ko which is Beef Kalbi. Malabot talaga yung meat. Sorry sa gutom ko nawala na sa isip kong picturan. Hehe. Nagcrave rin pala ako sa milk tea kaya napadpad ako sa Serenitea para bumili ng Chocolate Milk Tea with Egg Pudding. Again, wala akong picture nun. Haha.

Medyo nawawalan na kami ng pag-asa makapagskating dahil halos mag 6pm na kanina pero nagbakasakali kami. Pinuntahan namin yung sa Skating Rink at sa wakas nagkaroon din ng sizes na tugma sa amin! Hindi naman kami nainform kung hindi pa kami nagtanong. Palagpasin na bilang marami naman talagang tao. Yung totoo, ang daming tao agad kakaumpisa lang ng bakasyon?? :))

Fast forward, nagpalit na kami. Ang pinakamasaya talaga ay si Aldrick. Hehe. Effort nanaman magskating. Kung hindi ka sanay talagang nakakatakot. Ang lagi kong nasa isip is dapat nasa tamang lugar ang center of gravity and lakad-baby muna ang gawin bilang hindi naman ako marunong.

Ayun, as expected, napaupo si Lost Prince. Haha. Kainis lang kasi basa yung feeling sa pantalon at medyo masakit. Mukha nga akong ewan doon kanina dahil hindi talaga ako marunong. Naiiwanan ako lagi ng mga kasama ko.

Kung ako ay pinafollow mo sa twitter, malamang you saw and read my tweet: “Why the hell am I torturing myself? #IceSkating” HAHA. May feeling na nagbayad ako para pahirapan sarili ko. One time tumayo na lang ako sa gilid at naisip ko yung line na “Here I stand and here I stay” from the song “Let It Go” by Idina Menzel. Naipilit diba?




After ng skating, kumain kami sa Pepper Lunch dahil may good news kaming natanggap. Ang mahal ng nasa menu nila pero worth it, super sarap ng food. Try niyo. :)

Sana kahit paano nagkaroon kayo ng idea kung gaano ako nag-enjoy kagabi dahil kasama ko ang EE Family ko... Salamat sa pagbabasa, hanggang sa muli! :)

~*THE LOST PRINCE*~

Thursday, March 27, 2014

To Her..



Uhm hi...

How are you? :)

I really miss you.

Yung mga kulitan, tawanan at kwentuhan natin, sana maulit.

Pero sa nakikita ko ngayon mukhang impossible na...

Yes inaamin ko may gusto ako sa'yo, dapat sasabihin ko na pero busy ka.

Kahit dito man lang sana mabasa mo.

Alam ko namang malabong-malabo dahil friends lang tayo. Tanggap ko naman iyon at hindi rin naman ako umaasa.

Ang sa akin lang sana maging masaya ka kung sino man ang magustuhan mo at mag-iingat ka kung saan ka magpupunta.

Godbless... I hope lalo ka pang maging successful. :D


Monday, February 17, 2014

Random thoughts

Hi ! I haven't posted anything here since ~2 years na. Hahaha. I do not care if people actually read the contents of my blog. This is just my "outlet". Hay. I am now an instructor at maraming kailangan gawin though I have time naman to post random stuff here kaso medyo tinatamad talaga ako . =)) 

Just so you know, malapit na birthday ko. Sana makatanggap man lang ako ng message from you. Yes, you. :) hihi

Monday, July 2, 2012

RILEY Project S

Kung follower kita sa Twitter, marahil madalas mong makita sa tweets ko ang hashtag na #RILEYProjectS . Maaaring isa ka sa mga nagsasabi ng "I don't care." or "I don't give a damn." Well sa akin , isa itong sa pinakaimportanteng project ko. Bakit? Kasi ako bumili. Sarili kong pera. Pinaghirapan ko.
Define ko muna ang salitang "project" bago ako mag-umpisa. Ang salitang project para sa post na ito ay nangangahulugang isang gadget na pinag-iipunan ko pa.

Project S = Project SonyXperia Sola or Project Shell.
---o---


June 25, 2012...

Naglalakad kami ni mom noon sa SM San Lazaro. Papunta kami sa Tokyo-Tokyo para kumain, puyat din kami noon kasi nagbantay kami sa burol ng lola ko. Kinausap ko si mom,

Me: Me, kailan kaya darating yung allowance ko sa company kung saan ako nag-OJT?
Mom: Hintayin mo lang anak, malapit na siguro.

Seconds after, nagvibrate ang phone ko...

Ms. Erma: Hi Gab! Apologies for the delay but your check is available for pick up..... (Confidential na yung next part ng text).

Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi dumating na yung pinakahihintay ko o malulungkot ako dahil hindi na umabot yung allowance ko nung buhay pa lola ko. June 24, 2012 siya namatay. Hindi na umabot yung pangakong libre ko. :(

Moving on, sinamahan ako ni Tita Min papunta sa Shell House, Valero sa Makati. I felt so nostalgic. One more time magagawa ko ulit yung nakasanayan ko ng 6 weeks, pumunta sa company na minahal ko.

tentenenen...

After an hour siguro nandoon na kami sa Shell House. Agad akong pumunta sa 11th floor. Sinalubong ako ng masasayang mukha ng mga officemate ko noon. Ang saya ko talaga. Then all of a sudden, tumunog ang emergency alarm... May faulty electrical wiring. Saktong pagpasok ko yun ha? Hindi tuloy maiwasan na biruin ako na ako may kasalanan, pumasok lang kasi ako e tumunog na alarm. :))

Nagevacuate ang employees papunta sa isang park sa likod ng Shell House. After 30 minutes siguro pinapasok ko na ulit. Nakuha ko na ang cheque at in-encash ito sa Standard Chartered Bank. Yes kung familiar ka sa lugar, malayo nilakad namin ni Tita.

Tinago ko muna sa bank account ko yung pera dahil hindi ko pa afford yung gadget na gusto ko. Then naisipan kong pumunta sa site ng Kimstore... (http://kimstore.multiply.com) Aba! Ang mura nung gusto kong unit. Agad-agad akong nag-ipon ng konti kasi kulang pa yung allowance ko.

After 4 days, (June 29, 2012)...

7 am: Nagising ako mula sa masarap na pagkakatulog. Ang lamig kasi doon sa funeral chapel. Naisipan kong nang tumawag sa Kimstore. Pinatawag nila ako ulit ng 8:15 am kasi wala pang taong pwedeng mag-asikaso.

8:20 am: Tumawag ako ulit sa Kimstore. Smooth ang pag-oorder. Mababait ang kausap ko. Ininform nila ako na magkita ng 11am sa may area ko. (Jollibee Tayuman)

11:15 am: Dumating na si Kuya Randy sa Jollibee, dala-dala ang unit ko. Napansin ko may kasabayan akong guy sa pagbili ng phone. He ordered a BB unit, hindi ko alam kung anong specific model. I checked kung okay ang unit. Brand new and may warranty. Nagbayad na ako.

Anong unit?

Sony Xperia sola (Red)

Bakit nga ba red? Kasi sinunod ko lang ang kulay nito sa kulay ng logo ng Shell. Kung hindi dahil sa kanila, wala akong allowance at hindi ako makakabili nitong cellphone na ito.


Copyright ni RILEYCorn


Maliit lang ang box nitong Sony Xperia sola, hindi tulad ng box ng ibang Sony Ericsson phones na parang mini shoe box. Kapag binuksan mo na ang box, makikita mo sa loob ang isang unit ng Sony Xperia sola, isang charger, isang USB Cable, isang Stereo headset, User Manuals, 2 Sony SmartTags at adhesive.




Copyright ni RILEYCorn

Para sa akin, ito ang advantages ng Sony Xperia sola:

- Dual-core processor, mabilis pa siya kaysa sa tablet ko.
- Scratch-resistant screen, Though may visible na lint kapag nanggaling sa bulsa mo :))
- Expandable memory kahit 8 GB internal (5 GB accessible). 4 GB lang ang nilagay ko, I bought it sa Shell House Penthouse for P172. Ang mura no? may on-line store noon na parang may promo. Nanghihinayang ako dahil ang mura ng USB Flash disk pero hindi ko nabili dahil kumain ako sa Army Navy.


- 512 MB Ram, hindi ko pa siya nakitang mag-lag.
- FM Radio, yes dahil fan ako ni Papa Jack, WC huh? hahaha hahaha.
- Display, para sa akin crisp na yung display niya. Though mahirap magtext outdoors.
- Timescape

Copyright ni RILEYCorn


- Widgets, lalo na yung nasa bandang baba ng screen, ang bilis ko magtweet dahil dun ^^


Copyright ni RILEYCorn

- Kaya nitong magshoot ng video at 720p (HD)
- Smart Tags. Nauuso ngayon ang Near Field Communication (NFC). Isang tap lang ng tag dun sa area ng NFC sensor at gagawin nito kung ano ang niset mo sa phone mo (tulad ng pagpapalit ng user profile, pag-oopen ng application, etc.)
- Floating touch technology. Siguro static electricity niyuutilize nito. Kahit hindi mo idikit daliri mo, masesense nito kung saan ka nakaturo precisely. Available pa lang siya sa home screen at browser. Kapag nasa home screen ka at tinapat mo yung daliri mo dun sa blue cloud na nakapicture sa baba, gagalaw ito sa direksyon kung saan mo tinuro.


Copyright ni RILEYCorn

Disadvantages:

- Ang tagal ng ICS update. Gingerbread OS
- Yung shutter button ng camera, ang hirap pindutin. Kailangan pang diinan.
- Design, magkakahawig ang design ng mga bagong Sony Mobile phones.
- No front camera.

Binibigyan ko itong cellphone na ito ng ratings na 4.5/5. Sa ngayon, lahat ng kailangan ko sa isang cellphone ay nandito na. Affordable at hindi mo aakalaing mid-range phone lang ito dahil sa performance niya.

Masaya ako dahil for the first time, nakabili ako ng isang bagay na gustong-gusto ko sa pamamagitan ng pera na pinaghirapan ko. I'm so satisfied. :D

Abangan ang susunod na #RILEYProject ;)
~RILEYCorn~

Tuesday, June 12, 2012

Usapang technology

Ipinanganak akong mahilig sa gala at window shopping. (Ano raw?) Tuwing napapadpad ang kagwapuhan ko sa mga mall dito sa Metro Manila, ang inuuna ko talagang puntahan ay ang section na puro gadgets. Mga makabagong teknolohiya na kung saan ay pwede kang makipag-usap o makihalubilo sa mga taong malalayo sa iyong lugar at matuto kung gagamitin mo ito sa pag-aaral.


SM Cyberzone (Source: http://www.google.com)


Madalas nanginginig ang katawan ko kapag nakakakita ako ng magandang cellphone. Malakas na processor, HD display, stylish... Yan ang nararamdaman ko talaga. Pera lang problema. :))

LG Prada 3.0, my dream phone. :)) (Source: http://www.google.com)

Ikaw ba yung tipo ng tao na mahilig gumamit o magcollect ng gadgets? Sa henerasyon natin ngayon, napakarami mong pagpipilian na gadgets tulad ng cellphones, laptops, tablets, etc. It's all about the money. Chos. :))

Sabi ng ilang tao sa akin, regression ito. Dumaan kasi ako sa pagkakataong ako lang ang walang computer at cellphone sa mga kaibigan ko. :(

Tama na ang drama. Hahaha.

Sa ngayon, may 12 akong cellphone (5 na lang ang nasa akin dahil nadistribute na yung iba sa mom and dad ko, perness sa akin hindi pa ko nawalan ng cellphone at yung iPhone lang madalas kong magamit), isang laptop (Toshiba L645) at isang netbook (Asus Eee PC 900HD). Ito ang itsura ng laptop at netbook ko, huwag na yung mga cp ha, dami e :)), from Google na rin. Pagpasensyahan niyo na ha, sira kasi digicam ko ngayon e. :))




Ayan, mahal na mahal ko ang mga gadgets ko. Hahaha.

Pero sa walang kwentang post kong ito, magfofocus ako sa latest gadget ko: Archos 70 Internet Tablet.




Taken using iPhone 3GS. Follow me on Instagram: rileygram :)

[1988 in-establish ang French company na Archos kaya kahit paano nakagawa na sila ng pangalan sa larangan ng paggawa ng electronics. Hindi lang pala ako mahilig mag-anagram ng name, pati pala ang founder ng Archos, si Henri Crohas. :))]

Highlights:

1 Ghz processor
Android OS (Froyo)
Good battery life
250GB Capacity
Affordable (~P14,000)

Hindi ko na kailangan i-discuss ang ibang features. Kayo na bahala mag-search kung gusto niyo. :)) Mahal ko itong tablet ko na ito kahit hindi siya kasing-sikat ng iPad dahil lahat ng kailangan ko sa ngayon para sa pag-aaral ay nandito. Nakakapagbasa naman ako ng eBooks dito saka nakakapaginternet.

Kung usapang entertainment, aba hindi papatalo ang Archos. Halos lahat ng formats ng video at music files kaya niya i-play. Hindi ka pa mahihirapan manood/makinig dahil may malakas na stereo speakers ito sa magkabilang side at may kickstand siya na kapag ginamit mo, sakto lang ang angle of inclination ng tablet para sa panood. :)

Source: http://www.archos.com


Wala lang siyang Android Market (Google Play Store na ngayon) na nakainstall. Pero maaari siyang lagyan. Fully functional pa. :) Dito na rin ako gumagamit ng Twitter at Facebook apps dahil ang lakas makalowbat sa iPhone ng apps e..

Sa mga may tablet na diyan, halos magkakaparehas lang naman ang features at uses nito. High-end lang yung inyo. :))

Tandaan natin na hindi naman panlabas na anyo, presyo o bago ang basehan ng pagbili ng gadgets. Lagi mo rin iisipin kung kailangan mo ba talaga ito at magagamit kung hindi man habang-buhay ay pangmatagalan. :)


 ~RILEYCorn~

Thursday, June 7, 2012

Grass Garden Resort and Villas

Ito na yata ang isa sa pinakasamaya kong summer vacation. Bakit? Kasi after ko mag-OJT, may 2 weeks pa akong natitira para sulitin ang bakasyon. Kaya naman tinupad namin ang plano na makapagswimming sa hindi kalayuan, mura at magandang resort.

Naghanap kami ng magagandang resorts sa internet at isa sa mga nakita namin ay ang Grass Garden Resort and Villas. Located ito sa Sipat, Plaridel, Bulacan.

Nagandahan kami sa lugar at affordable naman talaga ang fees, ito oh nakuha ko sa FB fan page nila:


Matapos noon ay napagdesisyunan na ng pamilya na dito pumunta. Kaya naman todo ayos na ko ng dadalhin. Ako kasi yung taong ayaw ko may nakakalimutan lalo na pag swimming. Grabe para ako naglayas sa mga dala ko! :))

May 20, 2012 ---- Natuloy na ang pinakahihintay ko. Dumating ang sasakyan na nirent namin. Off to Plaridel!! :)

Habang nasa sasakyan ako, sinamantala ko na. Picture mode! :)



Marami pa yan pero hindi ang kagwapuhan ko ang focus ng post na ito. Hahaha! :)

Pansamantalang huminto kami sa Shell Select (I love Shell!) para bumili ng pagkain at pumunta sa comfort room. Dali-dali akong bumili ng Banana Split sa Dairy Queen at Burger sa Jollibee. Grabe pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Pambeach kasi ang attire ko. Oha. Center of Attraction lang diba :))

Makalipas ang isang oras (or something, hindi ko maalala dahil abala ako sa sounds), nakarating na kami sa Grass Garden Resort and Villas. Kakaiba ang ambience, maganda at malinis.


Nauna na pala yung pinsan kong si Arra Inocencio na kasama kong nagplano ng swimming dahil malapit lang sila sa lugar.


Ang masaklap lang eh sira ang digicam ko, so the pictures were taken using iPhone 3GS and Nokia E71.

Moving on, nakakatuwa lang mga staff dito. Napakamagalang at maasikaso. Tinulungan pa nga nila lola ko dahil nakawheelchair eh, hirap maglakad. At hindi na nila siya pinagbayad pati mga bata. Nice!


Bigla kami nawawala ni Mom dahil humahanap kami ng lugar kung saan pwede magpicture. Napakarami spots kung saan ka pwede magpapicture. Hehehehe. :)

After kumain, nagbihis na ng swimming attire (tama ba term ko? basta gets niyo na yun!) at bago lumangoy, isang masigabong picture-taking muna.





Makikita niyo naman na may normal size na pool at may kiddie pool. Parehas ako nagbabad diyan, syempre hindi sabay, dahil may mga kasama kaming kids. At may bilihan pala ng sunblock dito kung wala kayong dala. P50 per sachet lang.

Ilang oras din kami nakababad sa tubig. Habang lumalangoy-aso, may mga naririnig akong hindi kaaya-aya ... mga kumakanta. Dahil may videoke sa lugar. Buti na lang sumabak ang pinsan ko sa pagkanta ng Hanggang ni Wency Cornejo. Talbog sila. hahaha! Ang masaklap lang sa mga kumanta ay may nagmurder ng Through the Fire ni Chaka Khan. :|

Nang tumungtong na ang oras sa 3:30 ng hapon, kinailangan na naming mag-ayos para umalis. Nakapaligo na at nakapag-ayos na ng gamit ang kagwapuhan ko nun. Hahaha. Konting picture-taking din muna bago umalis.




Oras na para umuwi. Pagod na ako nun at ramdam ko pa rin yung pag-alon ng tubig sa katawan ko. Tamang-tama ang pag-ulan kasi papauwi na kami nun, ang lamig sa van! :) Syempre wala akong inatupag non kundi magsounds, twitter at foursquare.

Ang saya-saya talaga! :)

Hello sunburn! :)) (till now bakas pa rin pag-itim ng braso ko.)

~RILEYCorn~

Revive

Isang masiglang gabi sa inyong lahat!

Musta naman po kayo? :) Dahil hindi ko na mabuksan yung isang blog ko, dito na ko magpopost ng updates at rants ko. hahahaha ;)

Samahan niyo po ako sa pagbuhay ko sa blog ko.

~RILEYcorn~